Home » 2017 » December » 14 » Sex VS Love
4:34 AM
Sex VS Love

Related image

Isang 17 anyos na dalaga ang bumisita sa kanyang mga 
kaibigan isang hapon at nakipagkuwentuhan sa 
kanilang mga karanasan sa nakaraan nilang mga 
buhay-buhay. hindi niya inaasahan na matatagalan siya, 
at kinailangan niyang maglakad na mag-isa. Hindi naman 
siya natatakot dahil maliit lamang ito na pamayanan at 
malapit lamang ang bahay nila. At habang naglalakad 
siya na mag-isa at mapapadaan sa mayabong na puno 
ng balite. Si Rochelle, ang dalaga ay nagdasal sa 
Panginoon na ilayo siya sa anumang kapahamakan. 



At nang makarating na siya sa sangang landas na 
mayroong mas malapit na daan papunta sa kanila, 
nagdesisyon na siyang ito ang tahakin. Subalit mayroon 
siyang nabanaagan sa may puno ng balite 
kung saan may madawag na parte nito na 
tila ba may nag-aabang na isang lalake. 
Nagsimula siyang mabahala at nagsimulang 
magdasal, humingi ng proteksiyon sa Panginoon. 
Agad naman na nakadama siya ng kapanatagan 
at katahimikan na yumakap at lumukob sa kanya, 
nadama niya na para bagang may kasama siya
na naglalakad. At parang walang anuman 
na naglakad siya malapit sa lalaking iyon, 
nakauwi siyang ligtas. 



Kinabukasan, nabalitaan 
niya na isa sa kanyang mga kaibigan ang 
nagahasa sa lugar na kung saan dinaanan din 
niya dalawampung minuto pagkaraan. 
Dahil sa samut saring emosyon, napahagulgol siya ng iyak. 
Nagpasalamat siya sa Panginoon sa kanyang kaligtasan 
at nagdasal siya na nawa ay matulongan ang 
kanyang kaibigan, nagdesisyon siyang 
magtungo sa mga Pulis. 
Naramdaman niya na makikilala niya ang lalake, 
kaya naman nagkuwento siya sa mga pulis. 
Sinabi sa kanya ng mga pulis kung payag ba 
siya na tingnan ang line-up upang kilalanin ang lalake. 
Pumayag siya at agad na naituro ang lalake na nakita 
niyang nag-aabang sa daan. Noong malaman ng lalake 
na nakilala siya, umamin agad ito. 
Nagpasalamat ang mga pulis kay 
Rochelle sa kanyang katapangan 
at nagtanong kung ano ang maaring 
magawa nila bilang kapalit. Hiningi ni Rochelle 
na matanong sana ang lalake. Nagtataka lamang 
siya kung bakit hindi siya inatake ng lalake. 
At noong tinanong ng mga pulis ang lalake, sumagot ito,


“Dahil hindi siya nag-iisa. Mayroong dalawang malalaki at matitikas na lalake na naglalakad sa magkabilaang tabi niya.” 


Nakakamangha, maniwala ka man o hindi, hindi ka nag-iisa. 



Alam mo ban a 98% na mga kabataan ay hindi kinikilala ang Panginoon?
Nandiyan palagi ang Panginoon, sa iyong puso at minamahal ka, 

kahit anong mangyari kung manampalataya ka lamang sa kanya. 
Sa aking palagay 93 % na mga tao ang magtatawa at 
babalewalain ang post na ito. 


Marahil naging 
interesado ka lamang dahil sa titulo nito hindi ba? 
Subalit ngayon hinahamon kita kaibigan, 
ibahagi mo ang kabutihan ng Panginoon sa iyong 
kapwa sa pamamagitan ng Pag-share ng post na ito.

Views: 150 | Added by: stupidlove | Rating: 0.0/0
Total comments: 0
avatar