
"Goodnight yosiboy. Mwuah!"
Last text na narecive ni JC mula sa kanyang bestfriend.
"Ang babaeng yun talaga kung 'di pa ipaalalang di bagay sa may eyebag ang nakaeyeliner na itim di pa matutulog." ngingiti-ngiting bulong nito sa kanyang sarili habang nag-aayos para matulog.
Nagtext pa ito ng mga dalawang ulit bago tuluyang makatulog.
Matagal ng magkaibigan ang dalawa mula ng lumipat sila Misha sa lugar ng lalaki nung mga bata pa sila. At dahil mag katrabaho at matagal nang magkaibigan ang kanilang mga ina kaya't lalong naging malapit ang dalawa.
Balikwas ng bangon si Misha ng maalimpungatan dahil nanaginip ito na nalate sya sa kanyang klase.
"Naku! Yari nanaman ako nito pag nalate.. Epal pa namang prof yun pinapagboard work ang mga nalalate..huhu.." naibulalas ni Misha habang nagmamadaling hinahagilap ang kanyang cp.
Nakagawian na ng dalaga na magbasa ng text bago maligo, mag-almusal, at pumasok.
Sa pagtingin nya sa kanyang cp may dalawa siyang text message.. Ang unang ay mula kay Jc.
"Hoy! Candygirl..agahan mo ng gising friday bukas classmate tayo sa 1st class. Daanaan kta sa bahay nyo..babaita ka 'wag ka magmantika sa pagtulog!"
Natawa pa ang dalaga sa text ng kanyang kaibigan. Sabay tinignan kung sino ang isa pang nagtext. "Bagong number ah. 'Di ko to kilala. Sino nanaman kaya ang nagkalat ng number ko. Hmp!" naibulong ng dalaga at dagling binasa.
"Ang sarap ng amoy ng kape sa umaga. Naaalala ko ang "ikaw" na dahilan ng bawat kong pag gising."
"Hayop sa banat parang adik lang. haha,"sabay tayo ng dalaga para maligo.
"Morning Tita, si Misha po?"bungad ng binata ng pagbuksan sya ng gate ng mama ni Misha.
"Hala,naliligo pa ata. Tuloy ka muna at kumain."
Pumasok ang binata at naupo sa sofa habang ipinaghanda sya ng mama ni Misha ng quick breakfast.
"Pag di ka pa lumabas dyan within 5 minutes mag-isa kang papasok!" sigaw ni Jc upang magmadali ang dalaga..
Nang marinig ito ng dalaga dali-dali itong nagayos at nagbihis.
"Wow! Ang bilis.. Parang usa."pang-aasar ni Jc sa kaibigan."Takot ka pa lang iwan Candygirl hahaha."
Umismid ang dalaga." Pag-iniwan mo ko wala kang kasabay na maganda no!"
Nang makapaghanda na si Misha paalis tumindig si Jc" Tita mauna na po kami,"at patakbong lumabas sabay sigaw,"Ang mahuli sa sakayan syang magbabayad!"
"oi Yosiboy antaaayy!"
"Pano ako mabebenta nyan!" sagot ni Jc sa pagkapit ni Misha sa kanyang braso.Naging ugali na iyon ng babae lalo't dadaan sila sa lugar na may mga iba rin babae."Feeling mo naman ang gwapo mo para magustuhan nila eh lapad ng noo mo!" tawa-tawang sabi ng dalaga."Ganyan lang talaga pag mataba ang utak! Kita mo ikaw ang liit ng ulo mo.hahaha,"bawi ng binata.
Magkaklase ang dalawa sa kanilang subject sa advance math. Bagaman magkaiba ng kurso parehas silang nasa engineering.
"oi yosiboy ikaw na nga ang kumuha nung libro sa locker ko please..nakalimutan ko kasi kunin pag daan natin"pakiusap ng dalaga. "Ikaw na babaita ka talaga!ayaw ko. "Ngunit dahil magkaibgan alam ni Misha ang kahinaan ng binata."sige di na lang ako maglilibro. Konting sermon lang naman yun ng prof."mahinang wika nito habang kala mo batang nagtatampo ang hitsura. "Hay naku! Alam na alam mo talaga," kamot ulong wika ng binata habang tumatayo. Pero bago ito umalis sa pwesto may kinuha ito sa bag.
Sa pag-alis ng binata. Kinausap si Misha ng isa nitong katabi. "Mahilig kaba sa literature?" tanung nito habang winawagay-way ang libro ni shakespear na Romeo and Juliet. "Medyo," wika ng dalaga. Pero mahilig talaga ang dalaga dito. Weakness nito lalo na ang mga love poems. "Ang ganda kasi ng kwento nito."si Ryan,isa sa mga classmate ni Misha. Mahilig ito magbasa at mula pa nung pasukan ay may pagtingin na sa dalaga. "Nabasa ko na yan dati maganda nga ang kwento..oh Romeo ..oh Romeo where art thou my Romeo," mostra pa ng dalaga na akala mo ay umaaktin with matching beautiful eyes pa na talaga namang lalong nagpaakit kay Ryan.
"Ang saya ata ng kwentuhan nyo ah." sabat ni Jc na kadarating lang bitbit ang libro ni Misha..Ngiti lang ang naitugon ng dalawa.Dahil bigla ng pumasok ang kanilang prof.
Matapos ang klase.."Text ka nalng pag pauwi kana mas maaga tapos ng klase ko." wika ni Jc habang palakad sa kabilang dereksyon.
Si Ryan naman at si Misha sabay na nagtungo sa kanilang sunod na subject.
"Sa wakas! May time na ko para gawin ang mga assignments ko." wika ni Jc habang naglalakad papunta sa study area matapos ang kayang huling klase.
Doon nya na lamang napagpasyahang anatyin ang dalaga. Naupo siya roon kumuha ng papel at ballpen.
"Anu paba ang iba mo pang nabasa?" usisa ni Ryan kay Misha habang nag-aantay sa kanilang prof. Hindi maiwasan ni Ryan na mapatingin sa maamong mukha ng dalaga. Sino bang hindi agad makakapansin kay Misha sa kinis ng kanyang tisay na kutis, sa maamong mukha at mga matang nangungusap hindi pa kasama dyan ang katawan makakapag pagising sa lahat ng tulog.
"Marami-rami na rin..mas madami nga lang mga poem..im a sucker for poems lalo pag maganda talaga."tugon naman ng dalaga na tila kumikislap kislap pa ang mga mata at pang model ng toothpaste ang ngiti.
Napansin ng dalaga ang kaibang tingin sa kanya ng binata dahilan para mahiya ito at mag blush."Wag mo nga ako titigan ng ganyan baka matunaw ako. Lagot ka sa momi ko."sabay marahang tapik sa pisngi ni Ryan. Napangiti na lamang ang binata.
*kriiiiinggggg!!*
Humudyat na ang oras ng pagtatapos ng klase.Nagpaalam si Ryan sa dalaga,"See you on monday.." Ngiting paalam ang itinugon ng dalaga. Sabay kuha ng cp upang itxt si Jc
-> hoy yosiboy! Kung nanjan ka man sa tapat at umaasal na pugon magayos kana palabas na ko. Hatid ko lang yung book sa locker.
Masaya ang dalagang lumakad papunta sa locker..Nangingiti pa habang inaalala ang itsura ni Ryan nung makita nyang nakatitig ito sa kanya.
Pagdating sa locker agad nya itong binuksan at inilagay ang libro. Nang biglang may nahulog. Isang nakatuping papel. Dinampot ito ng dalaga.
"Hoy Candy!" bulalas ni Jc habang kumakaway upang makita ng dalaga kung nasaan sya."Ito naman kung maka candy wagas na wagas."padabog na tugon ni Misha habang naglalakad sila pauwi.
Nakasakay ang dalawa sa Lrt mula carriedo patungong Edsa."Candy alam naba ng momi mo ang sakit mo?"usisa ni Jc."Anung sakit?"maang naman ni Misha."Kanina ka pa kasi ngumingiti-ngiti dyan eh,mahirap na sakit yan baka bukas makalawa manggat ka na lang bigla..hahaha"Aktong babatukan sana ni Misha ang binata ng biglang maout of balance ito,dumaan kasi ang tren sa kurbada papuntang UN. Napasubsob tuloy ang dalaga sa dibdib ng binata na agad naman siyang sinalo.
"Oh, ok na takbo ng tren pwede kana umayos. Bago ko pa isiping sinasamantala mo ko." si Jc."Hmp! Tumigil ka nga lakas mo manira eh no..masaya lang talaga ako ngayon." Nacurious tuloy si Jc kung bakit at hanggang sa jeep kinukulit ang dalaga."Bakit ba masaya ka ngayon?"pangungulit nito."Secret nga!"wika ng dalaga sabay dila.
Di na nangulit pa ang binata.
Habang naglalakad pauwi dumaan muna ang dalawa sa may tindahan ng fishbol. Paborito kasi talaga ni Elay ang kikiam at yung pritong isaw ng manok na may harina. Masayang kumain ang dalawa. Kung di mo sila kilala malamang mapagkamalan mo pang magsyota."Para ka pa ding bata kumain nyan."si Jc,habang pinunasan ang konting sauce sa gilid ng labi ng dalaga.
Hinatid ng Jc si Misha sa kanila at nagpaalam na ito pauwi. Umakyat naman agad ang dalaga sa kanyang silid. Nagbihis at agad nahiga sa kama. Inabot ang kanyang bag at kinuha ang nakatuping papel na nalaglag mula sa kanyang locker. Isang papel na naglalaman ng tula,muli nya itong binasa.
ang nilalaman:
How can I begin to express
All these feelings that i suppress
How can I define
What no word could confine.
Each time you're by my side
I feel like everything in me would collide.
Each night i look at the star
Hoping for one to fall so i could wish.
In the morning I see them twinkle in your eyes
Hoping that you heart too,would fall.
Your smile
Paints a rainbow in my sky
How could i ever say
What no word could convey.
How could i ever inquire?
"How could someone like you be mine"
"Wow ang tamis...Parang santol.." ngingiti-ngiting sabi ng dalaga habang nakhiga sa kanyang kama kapit ang papel sa may dibdib at kinikilig-kilig. "Sino kaya ang may bigay sa'kin nito? Siguro naman di nagkamali yung naglagay kasi mga chaka naman yung may-ari nung mga locker sa tabi nung akin."
"Di ko talaga maialis sa isipan ko si Misha." buntong hiningang bulong ni Ryan sa sarili habang nakaupo sa kanyang study table. Itinabi ng binata ang ginagawa at nahiga na din.
Araw ng sabado walang klase ang ating mga bida. Nakasanayan na ni jc at Misha na tumulong sa gawain bahay. Buong sipag naman nilang ginawa ang kanilang mga gawain. Si Misha ay napapaisip pa rin tungkol sa taong nagpadala sa kanya ng tula. Sobrang weakness nya kasi talaga yun. "Masarap magbasa ng tula, nakakakilig pa nga madalas pero iba pala pag para sa'yo ginawa," nasabi ng dalaga sa sarili habang nagwawalis.
Napansin ng kanyang ina ang ganung kilos nya, mag-iisip tapos biglang ngingiti. "Anak, nag-agahan ka ba?" usisa nito. "Opo ma,bakit?"si Misha."Wala naman, naitanung lang. Nak gusto mo ba magpacheck-up?"tanung ng ina ni Misha,"baka gutom lang yan." At nagtawanan ang dalawa.
Pagsapit ng hapon nakagawian na ni Jc na maupo sa silong ng kanilang punong mangga habang naggigitara. Isa ito sa mga kinahiligang gawin ng binata.
Naggigitara ang binata sinasabayan ng kanta. "Wag mo na sa akong pahirapan pa..kung ayaw mo sa'kin ay sabihin mo na wag mo na sana ako ipaasa sa wala.."natigilan ang binata bago pa man nya madugtungan ang kanta ay may sumingit na.
"oo na mahal na kung mahal kita," dugtong ni Misha. Nakatingin pa ang dalaga habang inaawit ang lyrics ng kanta.
"Oh..nandyan ka pala?"gulat ni Jc."Wala wala ako dito. Kaya mo nga ako nakakausap eh,"sagot ng dalaga sbay upo sa tabi nito at sabi,"malinaw na ang lahat ha."
"Alin ang malinaw na?"medyo nagblush si Jc."Na nandito ako,hahaha,"natatawang sagot ni Misha. Sabay na tumawa ang dalawa. "May iba kang inaakala no?" tanung ng dalaga with matching beautiful eyes pa. Nagulat ang binata medyo ng blush pa," Ha?wala ah..masyado ka assuming..hahaha,"wika nito.
"Alam mo yosi boy, may nagbigay sa'king ng poem kahapon sa school. Syete may secret admirer ako. Ang ganda ng tula pero syempre di mo maiintindihan wala ka kasing hilig sa ganun,"kwento ni Misha.
"Yuck, ang corny ah. Poem tapos patago pa binibigay parang panahon pa ng lolo ko yang ganyang istyle,hahahaha,"si Jc.
"Ang yabang mo palibhasa walang nagkakagusto sayo..bleh," pang-aasar ng dalaga.
Bigla naman humarap ang binata sa kanya at tumitig sa kanyang mga mata. Namumungay ang mga mata nito at unti-unting inilapit ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga na tila naman na hypnotize sa maamong mukha ng binata. Napapikit ito at inantay na lumapat ang mga labi ng binata sa kanyang labi.
"Alam mo candy..,"malambing na wika ni Jc."Anu yun?"si Misha habang nakapikit pa din. "May muta ka pa,"sabay hagalpak ng tawa ng binata. Namula sa hiya ang dalaga. " Para kang candy na kulay pula ah,hahahaha," patuloy sa pang-aasar ang binata.
Tumungo ang dalaga at mahinang humikbi. Napansin ito ni Jc at dali-daling lumapit. "Candy girl sorry na. Nagbibiro lang naman ako eh. Please..please,"pakiusap ni Jc. Ngunit walang tugon ang dalaga. Patuloy sa pagkalabit ang binata kay Misha habang humihingi ng tawad.
"Alam ko na,"bulong ng binata sa sarili saka nagsabi. "4 pm na pala malamang nandoon na yung nagtitinda ng fishbol maiinit-init pa. Gusto ko pa naman manglibre ngayon." Tayo agad ang dalaga sabay gamit ang pamatay na ngiti ay nagsabi "Tara na ano pa inaantay mo dyan."
"Fishbol lang talaga ang katapat mo,hahaha,"wika ni Jc habang tumatayo.
Sabay na nagtungo ang dalawa sa kanto upang kumain ng fishbol. Bakas sa kanila na talagang masaya silang magkasama.
"Oi yosi boy pag naubos 'tong sa'kin enge naman ng kikiam mo ha."si Misha habang kumakain. "Grabe din di mo pa nga nauubos yan pinupuntirya mo na yung sa'kin,"gulat na sagot ng binata. Sabay punas sa sauce na na nasa may labi ng dalaga."Para ka pa ding bata kumain,"ngingiti-ngiting wika nito.
Mag-isang pumasok ang dalaga dahil hapon pa ang klase ni Jc. Sa may malapit sa locker nya nakita nya si Ryan.
"Hi Ry, nandyan na ba si sir?"tanung ng dalaga.
"Ha..ah eh..wala pa ata,sige una na ko sa room dun kita antayin ha,"tugon ni Ryan na tila nagmamadali makaalis.
"Ang weird non ha," bulong ng dalaga sa sarili habang binubuksan ang locker para kunin ang kanyang libro at may muling nahulog na papel mula sa kanyang locker.
"May poem nanaman..kanino kaya galing 'to, bakit kasi 'di na lang iabot ng personal," si Misha habang dinadampot ang papel at inilagay sa kanyang bag. Mamaya na lang daw nya ito babasahin.
Pagdating sa classroom nakita ni Misha si Ryan na nagbabasa.
"Nahook ka ata dyan sa binabasa mo ha,"wika ni Misha sabay tapik sa binata.
"Galing kasi gumawa ni Edgar Allan Poe ng kwento kakahook. Nabasa mo na ba itong A Cask of Amontillado?"si Ryan.
"Yup nabasa ko na nung 4th yr. sa World literature namin." nakangiting tugon ng dalaga.
"Lam mo Misha cute ka talaga pag nakangiti,"mahinang salita ni Ryan,"sana lagi ka na lang nakangiti."
"Baka mapagkamalan naman akong baliw nun?"nakakunot ang noong sagot ng babae.
"Baka ako ang mabaliw sa'yo nun paglagi kang nakangiti,"mabilis na bawi ng binata.
"Wow,ha ang tamis parang santol..hahaha,"sabay tawa si Misha. At nagtawanan ang dalawa.
Dumating ang kanilang prof. Ngunit habang nagkaklase panay ang sulyap ni Ryan kay Misha. Isang beses nakita ito ng dalaga.
"Hoy,baka maya pag nagpaseatwork mukha ko ang mailagay mo sa papel mo ha,"pabirong puna ng dalaga.
"Eh di malamang perfect ang score ko," sagot ng binata sabay ngiti.
*kriiiiinnnnggggg!!* hudyat ng pagtatapos ng klase.
Nagtungo si Misha sa canteen upang kumain. "Sinu kaya ang nagbibigay sa akin ng mga tula?kung iisipin ko isa lang naman ang talagang nagpaparamdam sa'kin pero iba naman ang gusto kong pansinin. Sabagay di naman masama mag-assume basta wag lang magexpect na tama ang assumption, kaya nga assumption eh,hahaha."wika ng dalaga sa sarili nya.
"Mukhang malalim iniisip mo ah, pwede bang makiupo dito para kumain?"si Ryan.
"Sige upo ka dyan para may kasbay ako,"masiglang sagot ng dalaga.
Magkasabay kumain ang dalawa at masayang nag-usap sa tungkol sa mga aklat na nabasa nila. Komportableng nagpapalitan ng kuro-kuro at mga experiences na related sa literature. Naisip pa nga nila bakit sila nagengineering eh wala namang kinalaman yung sa hilig nila.
"Ang ganda talaga ni Misha,bukod sa maganda na panalong panalo pa. Mapalad na sexy pa,"bulong ng binata sa sarili habang pinagmamasdan si Misha.
Di lang umiimik ang dalaga pero kanina pa nya alam na pinagmamasdan sya lagi ni Ryan. Lihim na napapangiti ang dalaga. Sino bang babae ang hindi eh isa nga naman si Ryan sa mga campus crush kung tawagin tapos eto sa harap nya panay ang sulyap.
Matapos kumain. Bumalik ang dalawa sa klase. Nang mag-uuwian na nagtext ang dalaga kay Jc.
-> yosi boy ingatz sa paguwi maya. Una na ako ha.mwuah!
-> sige candy girl..ingat ka wag tatanga-tanga baka makaapak ka ng tae.
" Loko talaga un,"asar na wika ng babae ng dumating si Ryan.
"Misha, di ba wala kang kasabay pwede ba kitang sabayan?" Ngiti at tango ang itinugon ng dalaga at sabay sila naglakad patungong LRT.
"Panay naman ang singhot mo Ry,baka maya nyan masinghot mo ako?"natatawa-tawang wika ni Misha.
"Alam mo kasi Misha,ang totoo ganyan ka lakas ang tama ko sayo. Pati sipon ko nagfafall for you." pacute pa ang mga mata ng binata habang sumasagot.
"Wag ka nga magbiro ng ganyan baka maniwala ako."si Misha.
"Hindi lahat ng biro ay ginawa para magpatawa. May mga biro na sinadya para masabi ang tunay na nilalaman ng damdamin kapag nahihiya,"dagling salo ng binata,
"Siguro naman di na lingid sa'yo iyon na may pagtingin ako para sa'yo." Sabay hawak sa kamay ng dalaga at may background na tugtug yung close to you ng carpinters.
"Wow ha, may sound epek ka pa,"wika ng dalaga,"pinaghandaan?"
"Ha? Oi hindi sa akin yun pero kung kaninu man yun salamat na din kasi nakadagdag ambiance haha.."si Ryan.
Hinagilap ni Misha ang pinagmumulan ng tunog, ringtone pala yun nung nakaupong ale na natutulog.
"Sana pagbigyan mo ko ng pagkakataon na mapatunyan sa'yo iyon."si Ryan.
"Wala naman ako sa lugar na magbawal eh,pero di porket papayagan kita na ligawan ako eh sigurado ka ng magtatagumpay.Ayoko lang magpa-asa."si Misha.
Palimus ng comment
|