Kung may babalikan akong parte ng buhay ko siguro noong nakilala ko si Kathy. Dumating siya sa buhay ko noong mga panahong nag-iisa ako. Literal na nag-iisa. I hate being alone pero wala naman akong choice.
Sa bawat araw na lumipas naalala ko ang aking magulang. Minsan hindi ko namamalayan may luha na pala sa mata ko. Ilang beses may nakapapansin sa akin sa mga ganoong pagkakataon, napuwing ang gasgas na linya kong palusot. My mom died a year ago. The last year of her life was in and out of the hospital due to diabetes complications. After 2 months of mourning, Dad died of heart attack.
Nagresign ako sa trabaho dahil sa depression. Inisip ko kung magbabyahe ako mawawala lahat. Liliparin ng hangin ang sakit na pilit na ipinapasan sa akin. Tatangayin ng agos ang pangungulila ko sa aking mga magulang. Iniwan ko ang ang lugar na kinalakihan para tanggapin ang lahat. Ang bawat hakbang ko palabas ang pintuan ay ubod ng bigat. Tila walang katapusang hakbang bago makalabas ng pintuan.
Bumili ako ng music album, nanonood ng concert at nalasing sa Malate. Pero may kulang pa din. Hindi ako masaya. Binisita ko ang mga magaganda at sikat na lugar para maalis ang lungkot na bumalot sa aking puso. Pero sa huli, hinahanap-hanap ko ang daan pauwi.
Naisipan kong pumasok sa isang Art Class. Sabi nila kapag nasa lowest moment ka ng buhay mo, lalabas ang artistic side ng isang tao. Hilig ko ang drawing kaya painting ang pinili ko para ibalik ang kulay na noo'y nawala sa aking mundo.
"I am Ms. Jheana Reynaldo, your instructor. I know lahat ng nandito may reason kung bakit gustong mahasa sa pagpipinta. May naglilibang, gustong makalimot, gustong may maalala, hasain ang sarili at kumita." Kung titingnan si Ms. Reynaldo mas iisipin kong isa siyang call center agent sa porma niya. Nakajacket kahit mataas na ang araw sa labas. "Oh ngayon pwede ko bang malaman kung ano ang dahilan ng pagpunta ninyo dito?"
Tumayo ang lalaki sa unahan at sinabing gusto niyang matutunan ang sekreto sa likod ng still image. Kesyo, buhay na buhay daw kung pagmamasdan. Iyong isa naman gusto niyang sundan ang tapak ng kanyang ama, sceneries naman ang gusto niyang ipinta. Ang babaeng malapit sa bintana marunong na daw magpinta gustong hasain lang ang skills at matuto ng iba pang techniques. Naaliw ako sa pakikinig sa sagot ng bawat isa. Malalim ang kanilang pinaghuhugutan. Hindi ko alam kung tama bang pumasok ako dito. Naghihintay ako ng sunod na sagot, hindi ko namalayan na lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Naghihintay na pala sa aking sagot.
"You, Mr. Bautista? Anong gusto mong ipinta at bakit?"
"Chicken Adobo." Nagtawanan ang buong klase. Sa tipo ko hindi ko gawain ang magbiro. Lalo na kapag inaantok ako.
"Tulala 'yan kanina pa! Akala siguro lunch na!" Bahagya lang akong nagkunot ng noo sa babaeng malapit sa aking upuan.
"I guess you are staring at me?"
"Kapal mo ha?!"
Ibinaling ko muli ang atensyon ko kay Ms. Jheana. "My Mom is a good cook. Mahalaga ang role ng Chicken Adobo sa amin kasi lahat kami paborito iyon. Ito iyong time na magkakasama kaming kumakain at masayang nagkukwentuhan. My parents are in the hands of our Heavenly Father, ang chicken adobo ang magpaparemind ng connection namin tatlo. Sa palagay ko, kung ibubuhos ko sa painting ang feelings ko, makakagawa ako ng magandang obra."
"Thank you, Mr. Bautista."
"Deep. Pwede ka ng dramatic actor. Adobong nagsasalita," pabulong na wika ng babae. Sa natatandaan ko, wala akong taong sinaktan o nilamangan nitong mga nakaraang araw para magkaroon ako ng isang hater.
"Ms. Kathy Belarmino, right?" Hindi ako interesado sa mga sasabihin niya para kasing sumasabog na granada ang boses. May pagkapolitician na aktibista ang dating. Reality at pait ng buhay ang gusto niya. Kaguluhan sa Mindanao, ginigilitang manok, stampede sa Ultra, Rambol sa Mediola pati lalaking umiihi sa gulong ng sasakyan kasali. Mas malaki pa siguro Spoliarium iyon, sasakalin ko ang babaeng ito kapag abstract ang kalalabasan.
Matapos niyang magsalita tinitigan niya ako ng matagal na pwedeng makamatay tapos ay tinaasan niya ako ng kilay. Now I know, may sira ito o galit siguro sa lalaki.
-itutuloy..
|